Wednesday, August 27, 2008

Musikang Pinoy,Buhay pa nga ba?

Marami sa mga Pilipino ngayon ay naaadik na sa musikang dayuhan.Halos binabaliwala ang mga musikang Pinoy.Pinakikinggan ngayon ng karamihan ay ang mga kantang,"Im yours, Low,over you,Girl Kiss Girl, at marami pang ibang musikang dayuhan,Ni halos hindi na nila pinahahalagahan ang sariling gawang atin.
May mga Musika naman tayong maipagmamalaki at maikukumpara sa mga musika ng mga dayuhan Tulad ng "Ako ay Pilipino" na gawa ng sikat na kompositor at mga musikang lokal na banda ngayon na unti-unting ng sumisikat sa kanilang mga musikang gawa.
May pagkakataon pa para mailigtas ang mga musikang pinoy,kailangan lang ng suporta ng bawat Pilipino...at itangkilik ang musikang Pinoy.

Group 4--,)_

4 Komento:

Block B said...

para sa ibang pinoy, pinapahalagahan parin nila ang musikang pilipino. dahil, kung iisipin, hindi masyadong naiintindihan ng ibang pilipino ang wikang ingles. pero para sa mga edukada, naiintindihan naman nila ang mga kanata ng bayaga.

para sa akin, mas gusto ko ang kantang pinoy dahil alam ng pilipino kung ano ang nararamdaman ng akapwa pinoy, nailalagay ng isang pinoy ang sarili nila sa isng sitwasyon o sa isang pangyayari.

yun lamang...:)

Block B said...

karamihan sa ngayon ang pinoy ay mahilig na sa musikang banyaga,kaya nakakalitan na ang musikang atin o ang gawang pinoy.kaya dapat nating tangkilikin ang ating musika dahil mas maganda ang musikang pinoy at may kabuluhang ipinapahayag kaysa banyagang mga awit,kaya kayo dyan mga kapwa ko!!!tangkilikin ang mga awiting gawang pinoy!!!!!!!.......

Unknown said...

Sa aking palagay ay buhay na buhay pa ang musikang Pinoy ngunit ito at nag-ibang anyo lamang. Katulad ng ating wika na marami nang mga bagong salitang nadagdag. Ito rin ang nangyari sa ating musika.
Maaaring hindi na ito kahing tunog ng mga makalumang kundiman ngunit nakapaloob pa rin dito ang damdaming makabayan at makapinoy.
donna abergas

Block B said...

yung first comment sa page na ito ay isinulat ni MIGZYLOU RAQUEL. nakalimutan lang niya isulat ang kanyang pangalan. SALAMAT.


at para sa aking comento naman.
depende na sa ating pananaw kung anu ang maiisip nating mas maganda pagdating sa kanta.
may mga kantang tumatama sa ating emosyon, sa ating pangaraw-araw na ginagawa at meron din namang kanta na para sa ating mga mahal sa buhay. pero hindi lahat ng tao'y gusto ang gusto mo.

pero kung ang paguusapan eh ang kanta ng ibang nasyon at sariling atin. mas gusto ko parin ang atin, dahil mas naiiintindihan natin ito iba't iba man ang mga lenguahe dito sa pinas.may bisaya, tagalog, muslim, atbp.

un lamang po.


APRIL JASMIN SANTANDER
Group 6
oct.4 2008
8:43 pm