Sunday, August 3, 2008

Low, Low, Low

Akda ni Donna Abergas

Isa ngayon sa pinakasikat na dayuhang mang-aawit sa bansa si Flo Rida, ang nagpauso ng kantang "Low"na isinalin na rin ng mga malikhaing Pinoy sa parehong Cebuano at Filipino.
At isa lamang si Flo Rida sa maraming banyagang manananghal na kinababaliwan ng mga kabataang Pinoy.



Kung lilibutin mo ang lungsod tuwing nakasilip na ang mga bituin, malayong-malayo pa man ito sa Maynila kung dami ng bar ang pag-uusapan ay hindi maipagkakailang buhay na buhay ang gabi dito. Marami na ang gimikang pwedeng puntahan ng mga kabataan na musika ang
mahilig pagtripan.

Sa bungad pa lang ng mga establisiyemento ay siguradong aakitin na ang yung mga
mata ng mga makukulay na neon lights. At pagpasok mo ng pinto (siyempre,
magbayad ka muna ) ay nakabibinging tugtugin ang sasalubong sayo.
Lalung-lalo na kung may bisita silang Club Disc Jockey na mula pa sa ibang bansa.

Talaga naman na karaniwan mong maririnig ang mga banyagang musika sa ganitong mga
lugar at siguradong maaaliw ka sa mga nagsasayawn sa dance floor. Hinding-hindi
mapapalagpas ng iyong mga mata ang ilang umiindayog sa saliw ng
sarili nilang himig. Alam niyo na siguro ang ibig kong sabihin.

O, sige! Palampasin na natin ang mga nagpupumilit na magaling o
marunong silang sumayaw kahit hindi naman. Pero magawa kayang mapalagpas
ng kalalakihan ang nag-iiksiang palda ng mga babaeng bigay todo sa paghataw?
Paano pa kaya kung sinabayan pa ng tube na pantaas na halois iluwa na ang dibdib ng
nakasuot? Suguradong pati mata ng mga lalaki ay lumuwa sa ganoong tananwin.

At matapos ang matinding yugyugan ay susundan pa ng Martini, Margarita o Tequila.
Sa mga hindi naman nakakaalam, kapag sinabing "on the rocks",
hindi nangangahulugang sa batohan mo iinumin ang iyong serbesa.
Ibig sabihin nito ay mayroong yelo ang baso ng inurder na alak.

Pero paano kung magtayo kaya ako ng sariling bar at gawin ko kayang
Pinoy na Pinoy para lang maiba?

Simulan natin sa dress code. Upang makapasok kailangang naka-Maria Clara ang mga
kababaehan at nakabarong naman ang mga lalaki. Bawal ang rubber shoes,
bakya lang ang maaaring isapin sa paa o kahit nakayapak ay ayos na.

Wala ring makikitang babasaging baso sa aking bar.
Ang tanging gagamitin ay kawayan o inukit na kahoy. At kapag umurder sa bartender,
ang saya sigurong pakinggan kapag sinabi ng kustomer ang,
"Isa nga pong lambanog."
Ang taray diba?!

Pagdating naman sa sayawan, ikaw na ang bahalang pumili kung alin ang mas gusto
mo, CariƱosa ba o Tinikling? Huwag na nating isama ang Sayaw sa Bangko at
Pandanggo sa Ilaw dahil medyo delikado yan.
At sa kantahan naman, kundiman lang ang aking ibibida.

Malamang na mamulubi ako sa itatayo kong negosyo dahil kahit ako man
ay aamin na mas madaling sabayan ang
"Low,Low,Low"
kaysa sa
"Aawitan kita...Aawitan kita..."
BOOM!
Binato pa yata ako ng kapitbahay naming namulat
sa zarsuela at harana.


0 Komento: