Wednesday, August 27, 2008

Musikang Pinoy,Buhay pa nga ba?

Marami sa mga Pilipino ngayon ay naaadik na sa musikang dayuhan.Halos binabaliwala ang mga musikang Pinoy.Pinakikinggan ngayon ng karamihan ay ang mga kantang,"Im yours, Low,over you,Girl Kiss Girl, at marami pang ibang musikang dayuhan,Ni halos hindi na nila pinahahalagahan ang sariling gawang atin.
May mga Musika naman tayong maipagmamalaki at maikukumpara sa mga musika ng mga dayuhan Tulad ng "Ako ay Pilipino" na gawa ng sikat na kompositor at mga musikang lokal na banda ngayon na unti-unting ng sumisikat sa kanilang mga musikang gawa.
May pagkakataon pa para mailigtas ang mga musikang pinoy,kailangan lang ng suporta ng bawat Pilipino...at itangkilik ang musikang Pinoy.

Group 4--,)_

Thursday, August 14, 2008

LARONG KALYE

DOTA tau! Ito ang madalas na banggitin ng mga kabataan ngaun o
kaya't Counter Strike. Mga makabagong laro na hindi na tayo
mapapagod laruin dahil nakaharap nalang sa computer. Anyayahan
mo mang maglaro sa labas ay magagalit pa sa iyo dahil sa
pagkaadik nila sa DOTA.

Sa paglipas ng mga panahon, nakalimutan na natin ang ating sariling atin.
Noon maraming batang naglalaro sa kalye, tombang preso,
habulan, jolen, maro, patintero, at iba't iba pa. Tila ba napaglumaan
na ang mga larong pinoy, yayain mo man ay sasabihin sayo'y "ano ba yan!
pangit lang mga larong yan eh! dota nlng tayo!". Sabi nga nila "nasa huli ang pagsisisi.."
dahil kawawa ang bagong henerasyon kung makakalimutan na ang mga laro kalye.
Hanggang dito nalang pala, kulang daw sila ng isa sa dota eh..paalam ^_^

Sunday, August 3, 2008

PAGKAIN

Bakit ba tayong mga pilipino ay mahihilig sa mga imported?hindi lang sa mga damit,mga palamuti,at kagamitan at ngayon ay maging sa pagkain na.Ibat-ibang uri at klasi na ng mga pagkain ang mga ginagawa ng tao kaya nga siguro laos na ang pagkain ng pinoy at hindi na masyadong pinapansin natin,eh! gawang atin naman!.........Halos makikita natin sa mga lungsod na halos karamihan ay pagkain ang kanilang mga negosyo. Laganap na ang mga restaurants sa pilipinas ay iatilo,at iba pa. Pero ang tanong: Karamihan ba sa mga restaurants sa pilipinas ay gawang lutong pinoy?Hindi diba. Masasabing ang may-ari,at ang mga empleyado ay mga pilipino pero ang pagkaing binibenta ay hindi lutong pinoy. Bakit ganon ang mga pilipino? halos hindi na pinapansin ang mga lutong pinoy. May iba pa nga na ayaw ng kumain sa mga karenderia kung saan lahat ng pagkaing pinoy ang binibenta at doon na sila kumakain sa mga mamahaling restaurant kung saan ang mga pagkain ay lutong dayuhan,tulad ng Jollibee,Greenwich, Mcdo,Japanese at Mandarin food restaurants,na ang mamahal naman at mabigat pa sa bulsa. Sa ngayon nga mas patok na talaga sa masa ang pagkaing impluwensya ng mga dayuhan sa ating bansa,at talagang wala na sa panlasa ang mga pagkain lutong pinoy, kaya tayong mga pilipino dapat tangkilikin natin ang mga gawang lutong pinoy..........kaya kayo dyan!!!!!!!!! tara na kain tayo sa Jollibee,,,,,,hehehehehe joke ..................suman pala,,,,,,,,,,,,,,,,,, bye.bye..........

Low, Low, Low

Akda ni Donna Abergas

Isa ngayon sa pinakasikat na dayuhang mang-aawit sa bansa si Flo Rida, ang nagpauso ng kantang "Low"na isinalin na rin ng mga malikhaing Pinoy sa parehong Cebuano at Filipino.
At isa lamang si Flo Rida sa maraming banyagang manananghal na kinababaliwan ng mga kabataang Pinoy.



Kung lilibutin mo ang lungsod tuwing nakasilip na ang mga bituin, malayong-malayo pa man ito sa Maynila kung dami ng bar ang pag-uusapan ay hindi maipagkakailang buhay na buhay ang gabi dito. Marami na ang gimikang pwedeng puntahan ng mga kabataan na musika ang
mahilig pagtripan.

Sa bungad pa lang ng mga establisiyemento ay siguradong aakitin na ang yung mga
mata ng mga makukulay na neon lights. At pagpasok mo ng pinto (siyempre,
magbayad ka muna ) ay nakabibinging tugtugin ang sasalubong sayo.
Lalung-lalo na kung may bisita silang Club Disc Jockey na mula pa sa ibang bansa.

Talaga naman na karaniwan mong maririnig ang mga banyagang musika sa ganitong mga
lugar at siguradong maaaliw ka sa mga nagsasayawn sa dance floor. Hinding-hindi
mapapalagpas ng iyong mga mata ang ilang umiindayog sa saliw ng
sarili nilang himig. Alam niyo na siguro ang ibig kong sabihin.

O, sige! Palampasin na natin ang mga nagpupumilit na magaling o
marunong silang sumayaw kahit hindi naman. Pero magawa kayang mapalagpas
ng kalalakihan ang nag-iiksiang palda ng mga babaeng bigay todo sa paghataw?
Paano pa kaya kung sinabayan pa ng tube na pantaas na halois iluwa na ang dibdib ng
nakasuot? Suguradong pati mata ng mga lalaki ay lumuwa sa ganoong tananwin.

At matapos ang matinding yugyugan ay susundan pa ng Martini, Margarita o Tequila.
Sa mga hindi naman nakakaalam, kapag sinabing "on the rocks",
hindi nangangahulugang sa batohan mo iinumin ang iyong serbesa.
Ibig sabihin nito ay mayroong yelo ang baso ng inurder na alak.

Pero paano kung magtayo kaya ako ng sariling bar at gawin ko kayang
Pinoy na Pinoy para lang maiba?

Simulan natin sa dress code. Upang makapasok kailangang naka-Maria Clara ang mga
kababaehan at nakabarong naman ang mga lalaki. Bawal ang rubber shoes,
bakya lang ang maaaring isapin sa paa o kahit nakayapak ay ayos na.

Wala ring makikitang babasaging baso sa aking bar.
Ang tanging gagamitin ay kawayan o inukit na kahoy. At kapag umurder sa bartender,
ang saya sigurong pakinggan kapag sinabi ng kustomer ang,
"Isa nga pong lambanog."
Ang taray diba?!

Pagdating naman sa sayawan, ikaw na ang bahalang pumili kung alin ang mas gusto
mo, CariƱosa ba o Tinikling? Huwag na nating isama ang Sayaw sa Bangko at
Pandanggo sa Ilaw dahil medyo delikado yan.
At sa kantahan naman, kundiman lang ang aking ibibida.

Malamang na mamulubi ako sa itatayo kong negosyo dahil kahit ako man
ay aamin na mas madaling sabayan ang
"Low,Low,Low"
kaysa sa
"Aawitan kita...Aawitan kita..."
BOOM!
Binato pa yata ako ng kapitbahay naming namulat
sa zarsuela at harana.