Monday, July 14, 2008

KABATANG PINOY: PAANO TINATANGKILIK ANG SARILING ATIN?

Ikaw? paano nga ba tinatangkilik ng mga



kabataang pinoy ang sariling atin



pagdaitng sa DAMIT? aber?






Kung pagkukumparahin NOON at NGAYON,



well, ito masasabi ko...








Ngayon, ang mga kabataan ay mahihilig sa



mga branded na damit tulad ng



BENCH, TRIBAL, LEE, JAG,PENSHOPPE at



iba pang mga brands na sikat...



Masasabing fashionista ka, mayaman at sabay sa



uso pag updated ka sa



mga bagong products nila...



Ang iba namang mga di gaanong mayaman,



pero feeling fashionista, at feeling mayaman,



mas pipiliin naman nilang bumili



ng mga immitation na mga damit...



Ang mga immitations na to eh



look-a-like talaga, pero kung titingnan ang



kalidad o uri ng tela...



aysus!!! buking!! peke nga!!!



pero higit sa lahat mura kesa sa real brand...



pero pwede ng pangrampa!di ba?



Tulad ng LEE,



pero galing namang DIVISORIA...



Tsaka TRIBAL,



pero galing namang BAKLARAN!!!



hay naku....








At noon naman,sus!



napaka simple lang ng mga tao noon...



basta mabalutan lang



ang katawan, ok na!



yung mga ninuno panga natin noon



eh naka bahag lang eh...



noon din, baro't saya,



barong tagalog, kamisa chino at



pajama lang ang mga damit, ok na!



wala pa naman kaseng



mga brand noon...








at yun nga! habang



patagal ng patagal...



hababng parami ng parami



ang mga dayuhan dito



sa ating bansa,



ang mga Pilipino ay madaling



maimplowensyahan pagdating



sa mga bagay na to...











peo kung pag-uusapan ang



pagtatangkilik nga mga kabataang



pinoy sa satiling atin...abay...



mahihirapan tayo nyan magexplain...



panu ba naman karamihan



talaga eh bumibile ng



mga imported kase akala



nila matitibay daw...



akala nyo lang un!



siguro meron parin



kahit papano ang matibay



di ko lang ma-specify..hehe






pagdating sa kalidad



masasabi kong matibay



parin ang gawang Pilipino,



kase alam ng mga Pilipino



kung anung dapat at panget



na uri ng tela



ang pwede at di pwedeng gamitin...






tulad halimbawa ng brand ng NATASHA...



dealer ang mama ko dun,



at syempre may mga



gamit na akong nabili dun...



may pantalon akong nagustuhan



duon at binili ng mama ko...



kasabay nun, may nabili akong



pantalon din na ang



brand eh BOBSON... aysus!!



kumukupas ang BOBSON



na nabili ko...



eh ang NATASHA? ayun..



ganun padin ang kulay.



ang alam ko ang NATASHA



eh gawang Pinoy!



(correct me if i'm wrong



at buburahin ko to!jokes!)






Kaya ako, masasabi ko talaga



na matibay talaga ang gawang Pinoy,






ewan ko nalang sa inyo



kung maniwala kayo oh hindi...



basta ako, tapos na



ako gumawa ng blog ko!!!



yahooooooooo.com!!jokes...









pero, para sa pang wakas...



para umunlad ang Pilipinas



bumili kayo ng NATASHA...



este!!! NG SARILING ATIN!!!









that's ol from me...



migzy

Sunday, July 13, 2008

Kabataang Pinoy: Paano Tinatangkilik Ang Sariling Atin

Paano ba tinatangkilik ng mga kabataang Pinoy ang sariling atin partikular na sa pananamit? Ano nga ba ang istilo ng mga kabataan kung pananamit na ang pag-uusapan?

Sa kasalukuyan, makikita natin sa iba't ibang uri ng pahayagan ang mga modelo ng mga damit. Ano nga ba ang impluwensiya nito sa mga kabataan? Paano ba nagkakaiba ang paraan ng pananamit sa mga kabataang Pinoy ngayon?

Noon, ang ginagamit ng mga babae ay mahahabang saya at ang pang-itaas ay ang tinatawag na kimona. Balut na balot ang katawan ng mga babae noon. Sa mga lalake naman, barong tagalog sa pang-itaas at slacks naman sa pang-ibaba. At may nagsusuot rin naman ng mga t-shirt at may panyo na nakatali sa bandag leeg o nagsisilbing necktie. Kadalasan itong sinusuot ng mga magsasaka.

Ngayon naman, sa paraan ng pananamit, masasabi nating parang nakulangan ng tela. Kadalasan natin itong napapansin sa pananamit ng mga babae. Maikling palda at mga blusang maninipis ang mapapansin natin na karaniwang damit ng mag babae. Sa mga lalaki naman, mga imported na mga t-shirt, maluluwang na pantalon o hip hop style.

Talagang malaki ang kaibahan ng pananamit ng mga kabataang pinoy noon at sa kasalukuyan. Hindi na tinatangkilik ang paraan ng pananamit noon kasi nga, sinasabi nilang ito ay jologs o "buki". Sa paraan ng pananamit ngayon, masasabi kong naiimpluwensiyahan tayo ng kanluran o western countries.

Pilit ginagaya ng mga kabataan ang paraan ng pananamit ng iniidolo nilang artista o kahit na sinong modelo ng damit dahil kapag suot na nila ito, pakiramdam nila na artista o modelo na rin sila. Kahit masasabi nating hindi naman bagay sa kanila.