Saturday, September 27, 2008

PANLILIGAW

PANLILIGAW

Ito ay isang salita o paraan para makamit mo ang mga katagang
"MAHAL KITA".
Ito ay daan upang mapasagot natin ang isang tao ng "OO".
Ngunit sa panahon natin ngayon,
tinatangkilik pa ba natin ang nakaugalian
pagdating sa panliligaw noong unang panahon?

Gitara, barong-tagalog at kanta ito ay sumisimbolo sa salitang "HARANA".
Ang harana ay isang paraan ng panliligaw noong unang panahon.
Ito ay ang pagpunta ng manliligaw sa bahay ng babae
at doon kumakanta o naghaharana ng mga
romantikong kanta para mapa-ibig ang babae.
Tulad ng "O ILAW.....SA GABING MADILIM..."
Sa mga simpleng liriko napapakilig ang mga babae.
kinikilala ng lubos ang mga manliligaw ng mga magulang.

Chocolate, flowers,letters, text-text, at simpleng kiss yan naman sa panahon ngayon ang
sumisimbolo sa pangliligaw.
mabilisan, at masasabing hindi na mapagkakatiwalaan ang bawat tao ngayon.
saan nga ba natin makukuha ang mga ganitong bagay?
saan pa ba, edi sa mga banyaga.


masasabi kng mas maganda parin sa mga sinaunang panahon ng panliligaw.
dahil maipapakita dtio ang katotohanan, ang pagtyatyaga, paghihintay at higit sa lahat ang PAGMAMAHAL.
dito mo makakamit ang isang, hindi lamang matamis ngunit ubod ng tamis, na "oo" at "MAHAL KITA".




LAST POST FROM GROUP 5




MIGZ:)

3 Komento:

Block B said...

Ivan Nabatar ^_^

masasabi kong mas mabuti ang panliligaw ngayon ngunit ito ay nahahaluan ng impluensya ng mga banyaga kaya ito ay nagkakaroon ng hindi mabuting persepsyon mula sa mga nakakatanda. Mas mabuti pa rin na gawin natin ang nakaugaliang panliligaw ng mga pinoy at lagyan ng mga kaunting pagbabago dahil nasa modernong panahon na tayo ngayon....

Block B said...

Arturo Garcia, Jr. --,)_


..para saakin mas mabuti ang paraan ng panliligaw noong unang panahon..Dahil sa paraang iyon ay mas nalalaman at mas napapatunayan ng mga babae kung seryoso ba talaga ang nanliligaw sa kanya..At dahil sa paraang ito ay naiiwasan ang mga broken families at mga maagang pagbubuntis.!

Block B said...

Raymond Jay Barquio *_*

Sa aking opinyon ay mas maganda ang panliligaw noon kaysa ngayon kasi noon ang panliligaw ay kailangan mapatunayan ng lalaki ang kanyang pagmamahal sa babae. Kaysa sa panliligaw ngayon na konting sabi lang ay oo agad at nauuwi lang ito sa hiwalayan at dito nagsisimula ang broken families...