Sunday, July 13, 2008

Kabataang Pinoy: Paano Tinatangkilik Ang Sariling Atin

Paano ba tinatangkilik ng mga kabataang Pinoy ang sariling atin partikular na sa pananamit? Ano nga ba ang istilo ng mga kabataan kung pananamit na ang pag-uusapan?

Sa kasalukuyan, makikita natin sa iba't ibang uri ng pahayagan ang mga modelo ng mga damit. Ano nga ba ang impluwensiya nito sa mga kabataan? Paano ba nagkakaiba ang paraan ng pananamit sa mga kabataang Pinoy ngayon?

Noon, ang ginagamit ng mga babae ay mahahabang saya at ang pang-itaas ay ang tinatawag na kimona. Balut na balot ang katawan ng mga babae noon. Sa mga lalake naman, barong tagalog sa pang-itaas at slacks naman sa pang-ibaba. At may nagsusuot rin naman ng mga t-shirt at may panyo na nakatali sa bandag leeg o nagsisilbing necktie. Kadalasan itong sinusuot ng mga magsasaka.

Ngayon naman, sa paraan ng pananamit, masasabi nating parang nakulangan ng tela. Kadalasan natin itong napapansin sa pananamit ng mga babae. Maikling palda at mga blusang maninipis ang mapapansin natin na karaniwang damit ng mag babae. Sa mga lalaki naman, mga imported na mga t-shirt, maluluwang na pantalon o hip hop style.

Talagang malaki ang kaibahan ng pananamit ng mga kabataang pinoy noon at sa kasalukuyan. Hindi na tinatangkilik ang paraan ng pananamit noon kasi nga, sinasabi nilang ito ay jologs o "buki". Sa paraan ng pananamit ngayon, masasabi kong naiimpluwensiyahan tayo ng kanluran o western countries.

Pilit ginagaya ng mga kabataan ang paraan ng pananamit ng iniidolo nilang artista o kahit na sinong modelo ng damit dahil kapag suot na nila ito, pakiramdam nila na artista o modelo na rin sila. Kahit masasabi nating hindi naman bagay sa kanila.

8 Komento:

Unknown said...

Ang masasabi ko lang ay nasa-atin na ang desisyon kung ano ang ating susuotin. Hindi rin natin kasi masisisi kung nasabi nilang JOLOGS o BUKI ang damit na sinusuot noon kasi depende iyon sa sumusuot o sa pagdadala ng damit. Siguro nasa atin nalang ang mga desisyon kung ano ang ating isusuot.

Unknown said...

Ang pananaw ko ayon sa akin, dahil ang panahon ay nagbabago at hindi na natin mapipigilan ang mga tao na magsuot ng mga t-shirt na branded dahil nasa atin naman talaga ang desisyon kung ano ang ating gusto,subalit dapat rin nating isaalang alang na dapat mas tinatangkilik natin ang sariling atin,dahil iyon ang magpapatunay na mahal natin ang ating bansa.

Block B said...

Ang makokomento ko lang ay, marami na talagang mga kabataang pinoy ang hindi na tumatangkilik sa sariling atin. halimbawa nalang nito ay sa musika, marami ang nahihilig sa mga banyagang musika kaysa musikang pinoy!!!!!.

Block B said...

group 4

Naririnig mo pa bang kinakanta ng mga kabataan ngayon ang mga Original Pilipino Music(OPM)? Nababatid niyo ba ang malaking pagkahilig nila sa dayuhang kanta kaysa sa gawan pinoy?

Mga kantang uso ngayon tulad ng "im y\ours, always be my baby,low" at iba pa ay halos alam na ng mga karamihan sa kabataan ngayon at pilit na hinahanapan ng liriko para lang ma memorya ang buong kanta.Ganyan na ba talaga kahilig ang mga kabataang pinoy ngayon sa mga dayuhang kanta? May maipagmamalaki rin naman tayong mga kanta tulad ng "Isang lahi,akoy isang pinoy" at iba pa na binuo ng mga magagaling na kompositor pero nakakalimutan lang dahil daw walang masyadong kakaiba sa mga kanta natin. Hindi ba nila alam na itong mga lumang kanta ay nagpabuo sa mga pagka Pilipino natin? Dapat na lang sigurong isa -alang sa ating mga sarili ang kaimportansya sa musikang pinoy para naman mangibabaw ang pagka Pilipino. May magagawa pa!!! Sumuporta at iligtas ang mga musikang may kaugnayan sa ating lahi.

Block B said...
This comment has been removed by the author.
Block B said...

Sa ating makabagong panahon ngayon ibang-iba na talaga ang mga kabataang pinoy,mas tinatangkili pa nila ang gawa ng mga taga ibang bansa kaysa yaring pilino
wala daw kasing "k' pag gawa lamang ito sa ating bansa pangit daw tingnan.Pero hindi naman mahalaga kung gano kamahal at kaganda ng yong danit ang importante ay nababagay ba ito sayo malinis kaba tingnan hindi naman kasi kinakailangan pang bumili ng mamahalin ang mahalga kahit gano pa ito kamura dapat ay komportable ka sa iyong sinusout.


MARIEL PRECILA H. MEDEL BLOcK B

Block B said...

ang makokomento ko lang, ay marami na sa aing mga kabataang pinoy ang di natumatangkilik sa sariling atin...maraming mga kabataang nahuhumaling sa mga branded na mga damit kay sa mga lokal at matitibay na mga damit!!!!!!!!!!

noemi escala

Block B said...

Dapat talagang magkaroon ng pantay na pagtingin ang bawat isa...wala naman masama kung branded o hindi basta ito ay nababagay sa gumagamit.basta magpakatotoo lang tayo sa ating sarili at bawasan ang pagiging ambisyosa paminsanminsan.

katherine Villame